Halaga ng rehabilitasyon sa Marawi, aabutin ng P51.6B

By Kabie Aenlle February 24, 2018 - 04:41 AM

Tinatayang aabot sa P51.6 bilyon ang magiging halaga ng kailangang gastusin para sa rehabilitasyon ng Marawi City at mga kalapit na lugar na lubhang naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at Maute terror group.

Ito ang lumabas sa resulta ng isinagawang post-conflict needs assessment sa Marawi City, bayan ng Butig at Piagapo sa Lanao del Sur mula Agosto hanggang Disyembre.

Ayon kay Office of Civil Defense Deputy Administrator Kristoffer James Purisima, nasa P18.2 bilyon ang halaga ng mga naitalang pinsalang idinulot ng bakbakan sa mga nasabing lugar.

Sa ngayon ay mayroon nang P10 bilyon na inilaan para sa rehabilitation works na isasagawa ngayong taon.

Ayon kay Purisima, mayroon na silang mga inihandang proyekto, mga programa at aktibidad para sa taong ito hanggang 2019.

Mayroon din naman aniya silang mga planong proyekto hanggang sa 2022 na magiigng bahagi ng Comprehensive Rehabilitation Recovery Program ng Marawi.

Inaasahang mailalabas ito pagsapit ng huling bahagi ng unang quarter ng March.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.