Impormasyon sa threat assessment, galing sa “widely available” sources – US Embassy

By Kabie Aenlle February 24, 2018 - 02:24 AM

Iginiit ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na pawang “widely available” ang impormasyong kanilang pinagbasehan sa kanilang ginawang Worldwide Threat Assessment.

Matatandaang tinukoy sa nasabing assessment si Pangulong Rodrigo Duterte bilang lider sa sa Southeast Asia na “threat to democracy and human rights.”

Ayon sa US Embassy, ipinaliwanag ni Ambassador Kim kay Executive Sec. Salvador Medialdea na ang nasabing report o annual assessment sa mga kondisyon sa iba’t ibang rehiyon sa buong mundo ay galing sa impormasyong accessible para sa publiko.

Noong Huwebes kasi ay nagkita sina Kim at Medialdea para pag-usapan ang nasabing report na binatikos ng Malacañang.

Kasama rin sa nasabing report ang pagigibng kabilang ng Pilipinas sa mga bansang gumagamit ng social media para isulong ang kani-kanilang mga agenda.

Paglilinaw pa ni Kim, ang mga references sa naturang ulat ay dati nang nailabas ng mag media sources.

Samantala, nanindigan naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na sumusunod si Duterte sa batas at nananatiling tapat sa Konstitusyon.

Giit niya pa, patuloy pa rin naman ang operasyon ng mga media organizations sa bansa kung saan nakakapaglabas ang mga ito ng balita, kabilang na aniya ang mga “fake news.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.