Ulat ng umano’y pamamaril sa Brussels, false alarm lang ayon sa Belgian police

By Kabie Aenlle February 23, 2018 - 07:01 AM

AP Photo

Isinara ng mga pulis ang ilang kalsada sa Brussels, Belgium matapos silang makatanggap ng mga ulat tungkol sa presensya ng armadong mga kalalakihan at diumano’y patayan.

Hindi muna nagpadaan ng mga motorista sa lugar ng Forest district, at saka rumesponde ang helicopter ng mga otoridad upang i-monitor ang sitwasyon mula sa himpapawid.

Ito rin ang parehong lugar kung saan nagkaroon ng shootout sa pagitan ng mga pulis at suspek sa Paris attacks na si Salah Abdeslam na nauwi sa kaniyang pagkakaaresto noong 2016.

Ayon sa pulisya, isang Polish na lalaki ang pumunta sa isang local shop at sinabing may pinatay sa isang residential area.

Agad tumungo ang mga pulis doon ngunit wala naman silang nakita.

Gayunman, may ilang mga tao na nakapagsabing mayroong kaguluhan hindi kalayuan mula sa naturang lugar.

Sa ngayon ay private dispute lang ang hinihinalang nangyari at isinantabi na nila nang tuluyan ang posibilidad ng anggulo ng terorismo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Belgium, Brussels, Radyo Inquirer, Belgium, Brussels, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.