Mga Pilipino dapat muling magkaisa-Ramos

By Jay Dones February 23, 2018 - 03:08 AM

 

Inquirer file photo

Nanawagan si dating Pangulong Fidel Ramos sa mga Pilipino na muling magsama-sama tulad noong panahon nang magkaisa ang lahat upang patalsikin ang rehimeng Marcos.

Sa isang panayam, sinabi ni Ramos na hindi na nagkakaisa ngayon ang mga Pinoy.

Marami na aniyang mga sigalot at iringan sa iba’t ibang sektor ng lipunan at maging sa iba’t ibang sangay ng gobyerno kaya’t nahihirapang umusad ang Pilipinas.

Giit pa ng dating pangulo, noong panahon ng EDSA People Power revolution, lahat ay nagpasyang iwaksi ang kani-kanilang mga pagkakaiba at nagsama-samang gumawa ng hakbang upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan.

Nanawagan rin si Ramos sa mga kabataan na muling sariwain ang diwa ng EDSA at magsilbing panibagong simbolo para sa muling panunumbalik ng sigla ng bansa.

Umaasa rin si Ramos na lalahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng People Power 1 sa darating na linggo sa EDSA bilang ‘tatay’ ng mga Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.