Dalawang tao ang nasawi habang 22 iba pa ang sugatan matapos ang pagpapasabog sa isang bangko sa northern Myanmar.
Sumabog ang bomba malapit sa bangko sa bayan ng Lashio sa Shan state, kung saan ilang ethnic insurgencies na rin ang naganap sa nakalipas na ilang dekada.
Ayon sa isang security officer, pawang mga tauhan ng Yoma bank ang mga biktimang nasawi sa pagsabog.
Wasak ang mismong bangko, pati na ang ilang mga gusali sa paligid ng pinangyarihan dahil may kalakasan ang naganap na pagsabog.
Sa ngayon aniya ay patuloy pang nagsasagawa ng clearing operations ang security forces.
Wala namang agad na naglabas ng pahayag para akuin ang pagsabog.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Yoma bank sa mga naiwang pamilya ng mga biktima, kasabay ng pananawagan ng pagkakaisa matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.