Divorce bill aprub na sa House committee

By Erwin Aguilon February 21, 2018 - 07:13 PM

Pasado na sa House Committee on Population and family Relations ang panukalang consolidated absolute divorce and dissolution of marriage bill.

Unanimous ang naging botohan ng mga miyembro ng komite sa naging report ng binuong technical working group na nag-aral sa apat na panukala.

Kasama sa mga grounds sa panukalang divorse na inaprubahan ang mga kasalukuyang grounds ng legal separation sa ilalim ng Family Code.

Kabilang dito ang paulit-ulit na pambubugbog sa petitioner, common child ng mga ito at anak ng petitioner; pagpipilit na magpalit ng relihiyon o political affiliation ang petitioner; pagtatangka na i-corrupt ang petitioner o anak nito na mag engage sa prostitution o korapsyon; final judgment ng korte na makulong ang respondent ng anim na taon kahit na ito ay nabigyan ng pardon; drug addiction o habitual alcoholism ng respondent; lesbianism o homoxesuality ng respondent; pagkakaroon ng bigamous marriage ng repondent; sexual infedelity; pagtatangka ng respondent sa buhay ng petitioner at pag-abandona ng petitioner sa respondent sa loob ng isang taon ng walang sapat na dahilan.

Idinagdag din sa grounds para sa divorce ang hindi pagsasama ng mag-asawa sa loob ng limang taon at ang pagkakakulong sa sugal.

Libre naman ang filling fee para sa indigent petitioner o iyong may kabuuang ari-arian na mas mababa sa P5 Million bukod pa sa maaari ang mga itong makakuha ng libreng serbisyo ng court appointed lawyer, social worker, psychiatrist at psychologist.

Sa ilalim ng panukala, mayroon ding alimony o sustento na iiwan sa pamilya na maaring bayaran ng isang bagsak o kaya naman ay base sa kasunduan ng magkabilang panig.

Mayroon ding summary proceedings na kasama sa panukala kung saan kabilang dito ang bigamous marriage ng respondent, ang hindi pagsasama ng mag-asawa sa loob ng limang taon, kung legally separated ang mag asawa sa loob ng dalawang taon, kung ang isa sa mag-asawa ay nasintensyahan ng anim na buwang pagkakulong at nagkaroon ito ng sexual reassignment ang isa sa mga ito.

Mayroon namang cooling-off period na anim na buwan matapos isampa ang kaso ang itinakda upang pag-ayusin ang mag-asawa at matapos ang nasabing panahon ay walang pagkakasundo saka itituloy ang divorce proceedings.

Kapag nagkaayos naman ang mag-asawa sa loob ng nasabing panahon o habang nasa kalagitnaan ng pagdinig ay ihihinto na ito ng korte.

Hindi naman kasama sa cooling-off period kung ang grounds ay pasok sa Violence Against Women and Children Law at ang mga grounds para mapasailalaim sa summary proceedings ang paghihiwalay ng mag-asawa.

TAGS: Congress, divorce, family code, house committee on population, Congress, divorce, family code, house committee on population

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.