Consolidated absolute divorce bill lusot na sa Technical Working Group
Pasado na sa binuong Technical Working Group (TWG) ang consolidated absolute divorce bill.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman na siyang pinuno ng TWG, dadalhin na sa Committee on Population and Family Relations ang consolidadted version ng panukala.
Kabilang sa mga grounds sa panukalang divorce na inaprubahan ang TWG ang mga kasalukuyang grounds ng legal separation sa ilalim ng Family Code.
Kabilang dito ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng relihiyon at political affiliation, alcoholism, drug addiction at anim na taong pagkakulong.
Ang hindi pagsasama ng mag-asawa sa loob ng limang taon ay kasama rin sa grounds na divorce.
Sapat na ayon kay Lagman ang nasabing mga grounds upang ipawalang-bisa ang kasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.