Enforcers ng MMDA, sumailalim sa self-defense training
Sumailalim sa pagsasanay para sa self-defense ang nasa 30 lady enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago maliban sa 30 lady enforcers, sumailalim din sa training ang mga tauhan nilang nakatalaga sa yellow lane sa EDSA.
Ito aniya ang unang batch ng MMDA enforcers na sasailalim sa pagsasanay sa tulong ng mixes martial arts experts mula sa Philippine Tapado Kali Corporation.
Kasabay nito, tumanggap na ri ang MMDA ng aabot sa 200 batons na gagamitin ng mga enforcer na magsisilbing pang-tanggol nila sa sarili laban sa mga marahas o bayolenteng motorista.
Maliban sa pagsasanay sa self-defense, ang mga tauhan ng MMDA ay sasailalim din sa psychological, mental at physical trainings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.