Indian Company, nais maging 3rd telco player – Duterte
Nais ng isang Indian company na pasukin ang telecommunications industry ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagtatalaga ng mga bagong board of directors ng Federation of Indian Chambers.
Ayon sa pangulo, ang aplikasyong ito ng isang Indian company ay bunga ng kanyang imbitasyon sa mga negosyanteng Indian sa kanyang state visit sa naturang bansa noong nakaraang buwan.
Sinabi ng pangulo na ikinukondisera ng gobyerno ang naturang aplikasyon.
Kamakailan lamang ay ipinahayag ng palasyo na sa Marso na nais masimulan ng pangulo ang bidding para sa bagong telecommunication player.
Ang pagpasok ng ikatlong player sa bansa ay naglalayong pagandahin ang telecommunications services sa bansa at buwagin na ang ‘duopoly’ sa industrya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.