Reporter ng Rappler, pwede pa ring mag-cover sa Malakanyang – Roque
Nilinaw ng Malakanyang na maari pa ring mag-cover si Pia Rañada ng Rappler sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang press briefing sa Malakanyang.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay hangga’t nakaapela pa ang kaso ng Rappler sa Court of Appeals (CA) laban sa desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Una rito, kinansela ng SEC ang registration ng Rappler dahil sa pag-aari umano ng dayuhan ang naturang kompanya.
Ayon kay Roque, base sa ipinalabas na utos ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, kapag natalo ang Rappler sa CA, mapipilitan ang Malakanyang na ilipat sa Focap o Foreign Correspondent ang Rappler o magpa-accredit bilang blogger sa tanggapan ni Presidential Communications Asistant Secretary Mocha Uson.
Sinabi pa ni Roque na kapag nailagay sa kategoryang Focap ang Rappler, mga piling event na lamang ng pangulo at sa Malakanyang ang maaring mai-cover ng Rappler.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.