Deployment ban pwede ring ipatupad sa iba pang mga bansa ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu February 20, 2018 - 10:36 AM

Presidential Photo

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na maliban sa Kuwait ay maari ding ipatupad ang deployment ban sa iba pang mga bansa.

Ayon sa pangulo, ito ay kung patuloy na nakararanas ng pang-aabuso ang mga Pinoy workers sa kamay ng nga dayuhang amo.

Sinabi ng pangulo na wala siyang balak na magpadala ng mga manggagawa sa ibayong dagat kung bababuyin lamang ang mga Pinoy Workers.

Agad namang humingi ng dispensa ang pangulo kung mahihirapan man ang ilang Pinoy workers na makahanap ng trabaho.

The ban will continue and it will extend to other countries. Mahirapan sila, well, humihingi na ako ng tawad sa inyo. I will not allow… Hindi… Wala akong kaplano na ipadala kayo doon tapos babuyin kayo. Hindi ko style ‘yan. Magalit kayo nang magalit sa akin tutal — basta ako trabaho lang. Mawala na ako sa politika. Wala na talaga. I’m done and wala na akong ambisyon,” ayon sa pangulo

Kasabay nito umapela si Pangulong Duterte hindi lamang sa Kuwait kundi maging sa buong mundo na tratuhin ng maayos ang mga Pinoy workers dahil hindi alipin ninuman ang mga Filipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Deployment, deployment ban, OFWs, Rodrigo Duterte, Deployment, deployment ban, OFWs, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.