Panukala para magkaroon ng emergency funds ang mga electric cooperative aprubado na sa kamara
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa pagkakaroon ng emergency at resiliency fund para sa mga electric cooperatives.
Sa ilalim ng House Bill 7054, maglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa agarang pagsasa ayos at pagbabalik ng serbisyo ng mga imprastraktura ng mga electric cooperatives na nasira dulot ng kalamidad o anumang uri ng superior force.
Gagamitin ang pondo para sa disaster prevention, management, mitigation at rehabilitation ng mga nasirang imprastraktura ng mga electric cooperatives.
Nakasaad din sa panukala ang patuloy na pagbibigay ng financial assistance ng gobyerno sa electric cooperatives at kung sakaling kulangin ay maaaring humiling ang National Electrification Administration na siyang mamamahala sa resiliency at emergency fund ng supplementary budget na kailangan namang aprubahan ng pangulo.
Kung maibabalik ang serbisyo ng kuryente sa mga nasirang imprastraktura ng electric cooperatives, makakatulong ito sa mga LGUs para mabilis na maipaabot ang tulong, gayundin ang pagsasagawa ng reconstruction at rehabilitation sa mga devastated areas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.