MRT at LRT Beep Card pinag-aaralan na ring gamitin sa mga Bus at Taxi
Umaasa ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na mababawasan na ang pila sa mga himpilan ng MRT at LRT lalo na tuwing rush hours oras na magsimula ang pag-gamit sa “Tap and Go” ticketing system na mas kilala sa tawag na “Beep Card”.
Simula sa October 3 ay magagamit na ang nasabing uri ng ticketing system ng mga sumasakay sa LRT 1, LRT 2 at MRT 3.
Mabibili na rin ang “Beep Card” sa lahat ng himpilan ng MRT at LRT sa halagang P100 kung saan ay otomatikong may laman na itong P80 load.
Sa panayam sinabi ni DOTC Sec. Jun Abaya na malaking ginhawa sa mga pasahero ng tren ang nasabing sistema at kung magiging matagumpay ay gagamitin din ang teknolohiyang ito sa iba pang uri ng transportasyon tulad ng mga Bus at Taxi.
Ang realoadable Beep Card ay puwedeng kargahan ng mula P11 hanggang P10,000 na halaga ng load sa pamamagitan ng mga vendo machines o tellers sa mga himpilan ng MRT at LRT.
Ipinag-malaki rin ni Abaya na unti-unti na nilang isinasa-ayos ang ilang mga sirang coaches ng MRT para mas lalo pa nilang mapaglingkuran ang mas maraming pasahero habang hini-hintay na maging fully-operational ang mga bagong tren na galing ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.