Mga pulis na nakatalaga sa drug enforcement units sa Cebu City, isinailalim sa drug test

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2018 - 11:31 AM

CDN Photo

Isinailalim sa surprise drug test ang mga tauhan ng pulisya sa Cebu City police na nasa ilalim ng kanilang drug enforcement units.

Isinagawa ng Police Regional Crime Laboratory ang drug test sa Camp Sotero Cabahug.

Ayon kay Sr. Supt. Joel Doria, Cebu City police director, tuluy-tuloy ang kanilang pagsasagawa ng drug test at iikot pa sila sa iba’t ibang unit at istasyon ng pulisya.

Binalaan din ni Doria ang mga tauhan na iwasang masangkot sa paggamit ng ilegal ng droga dahil maari silang masibak sa trabaho kapag-nagpositibo sila sa test.

CDN Photo

Kamakailan dalawang pulis na mula sa Cebu City at sa Lapu-Lapu City ang nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga.

Kapwa sumailalim sa confirmatory test ang dalawa at kung mapapatunayang positibo sila talaga sa paggamit ng ilegal na droga ay maari silang ma-dismis sa serbisyo.

 

 

 

 

 

TAGS: cebu, cebu city police, drug test, Radyo Inquirer, cebu, cebu city police, drug test, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.