Loob at labas ng senado, napuno ng supporters ni SAP Bong Go
Napuno ng tagasuporta ni Special Assistant to the President Bong Go ang loob at labas ng senado para sa kaniyang pagharap sa pagdinig tungkol sa P15.7 billion Navy frigate deal.
Pawang nakakulay pula na t-shirt ang mga dumagsa sa sa senado sakay ng mga pampasaherong jeep.
Anila, walang humiling sa kanila na magtungo sila sa senado at sa halip ay kusang loob ang kanilang ginawa para magpakita ng suporta kay Go.
Dumalo din sa pagdinig para suportahan si Go sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Presidential Communications Operations Office head Martin Andanar, Presidential political adviser Francis Tolentino, at Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam.
Maging ang aktor na si Robin Padilla ay nagtungo sa senado para suportahan si Go.
Una nang sinabi ni Go na pinayuhan siya ni Pangulong Duterte na sabihin lang ang katotohanan sa kaniyang gagawing pagharap sa hearing.
Senate investigation sa umanoy maanomalyang frigate deal nag-umpisa na @dzIQ990 pic.twitter.com/jNX0LJI859
— ruel perez (@iamruelperez) February 19, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.