FBI, binanatan ni Trump dahil sa hindi pag-aksyon sa tip ukol sa Florida shooter

By Kabie Aenlle February 19, 2018 - 12:19 AM

 

Binatikos ni US President Donald Trump ang Federal Bureau of Investigation (FBI) matapos nilang aminin na hindi nila inaksyunan ang mga tip umano na posibleng nakapigil sa nangyaring school shooting sa Parkland, Florida.

Sa kaniyang Twitter account, ipinahayag ni Trump na nakalulungkot na maraming pahiwatig ang ipinarating ng Florida school shooter ngunit hindi ito pinansin ng FBI.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang ganitong sitwasyon ayon pa sa presidente.

Dagdag ni Trump, masyado kasing ginugugol ng FBI ang kanilang atensyon sa pagpapatunay na nanghimasok ang Russia sa Trump campaign.

Giit niya, walang “collusion” na nangyari, kasunod ng pag-apela sa FBI na “get back to the basics and make us all proud!”

Magugunitang inamin ng FBI na nakatanggap sila ng babala mula sa isang tipster na posibleng nagpa-plano ng mass shooting ang gunman na si Nikolas Cruz, ngunit hindi na nag-follow up ang kanilang mga ahente.

Naglabas ng pahayag si Trump matapos din siyang ulanin ng batikos dahil sa pagiging malapit niya sa makapangyarihang National Rifle Association at pagbalewala sa pangangailangan ng mas mahigpit na gun control sa Estados Unidos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.