PNoy, mananagot sa DAP pagkatapos ng kanyang termino sa 2016

By Isa Avendaño-Umali October 01, 2015 - 12:20 PM

pnoy-aquinoLusot man ngayon si Pangulong Benigno Aquino III sa isyu ng Disbursement Acceleration Program o DAP, tiyak naman na may naghihintay na kaso laban sa kanya sa pagbaba nito sa July 2016.

Ito ang pahayag ni ACT Party List Rep. Antonio Tinio kaugnay sa resulta ng imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa DAP.

Ayon kay Tinio, tamang inimbestigahan, kasuhan at panagutin si Budget Sec. Butch Abad, dapat ay hindi inabswelto ng Ombudsman si Pangulong Aquino.

Igniit ni Tinio na bilang Pangulo, si PNoy lamang ang may kapangyarihang magpahintulot ng paglipat ng pondo sa pamamagitan ng DAP.

Dismayado si Tinio na palagi na lamang naaabuso ni Pangulong Aquino ang immunity nito para makaiwas sa pananagutan.

Sa findings ng Field Investigation Office ng Ombudsman, tanging sina Abad at Undersecretary Mario Relampagos ang sasailalim sa preliminary investigation para sa technical malversation at administrative charges.

TAGS: DAP, Disbursement Acceleration Program, DAP, Disbursement Acceleration Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.