Pagpasa sa Federalismo, dapat nang madaliin – Andanar

By Rhommel Balasbas February 18, 2018 - 05:33 AM

Naniniwala si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na dapat nang madaliin ang pag-amyenda sa Saligang Batas para mapalitan na ang uri ng gobyerno tungong federalismo.

Ito ang inihayag ng kalihim sa Fed-Ibig ng Bayan sa Pagbabago Rally sa Quezon City Memorial Circle.

Ito ang una sa serye ng mga rally na inihahanda ng gobyerno na layong itaguyod ang panukalang pagpapalit sa uri ng pamahalaan.

Ayon kay Andanar, ang isang gobyernong federal ay makapagbigay ng importansya sa iba pang mga probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Mayroon na lang anyang apat na taong natitira ang administrasyon at dapat nang madiliin ang pagpasa sa federalismo.

Ito anya ay nang sa gayon ay maisakatuparan ang mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.