Mga kwalikipikadong maging PNP Chief, pinangalanan ni Bato
Kung si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang tatanungin, may limang kwalipikado na maaaring pumalit sa kanya sa pwesto.
Ayon kay Bato ang pwedeng maging sumunod na hepe ng PNP ay ang mga sumusunod:
- Deputy Director General Ramon Apolinario
- Police Deputy Director General Archie Gamboa, Chief Directorial Staff
- Police Deputy Director General Fernando Mendez, Deputy Chief for Operations
- Police Director Camilo Cascolan, Chief Directorate for Operations
- Director Oscar Albayalde, chief of the National Capital Region Police Office
Iginiit ng kasalukuyang PNP chief na tinanong siya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang nakikita niyang pwedeng umupo sa kanyang pwesto.
Gayunman, sa ngayon anya ay wala pa siyang maisip na maaari niyang personal na iendroso sa pangulo.
Naabot na ni Dela Rosa ang ‘retirement age’ para sa pagka-hepe ng pambansang pulisya ngunit pinalawig pa ng presidente ang kanyang termino ng tatlong buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.