Mga kaso ng pagkamatay ng OFWs, iimbestigahan na ng Senado
Gugulong na ang imbestigasyon ng Senado sa mga pagkamatay ng Overseas Filipino Workers (OFWs), kabilang ang kaso ni Joana Demafelis na natagpuan sa isang freezer sa Kuwait.
Naghain sina Senators Manny Pacquiao at Nancy Binay ng dalawang resolusyon na nananawagan sa Senate Commitee on Labor and Employment at Committee on Foreign Relations na silipin ang tumataas na bilang ng mga pang-aabuso sa OFWs, partikular sa middle east.
Batay sa Senate Resolution no. 626 ni Pacquiao, kinakailangan ungkatin ang katotohonan sa likod ng mga kasong ito. Kinakailangan din aniya na suriin ang mga polisiya at programa ng gobyerno sa mga pang-aabuso.
Sa resolusyon naman ni Binay, pinabubusisi niya ang OFW total deployment ban sa kuwait.
Ipinunto ni Binay na tinatayang 250,000 Pilipinong nagta-trabaho sa Kuwait, kung saan 75% nito ang household service workers.
Sinabi ng senadora na kinakailangang paigtingin ng gobyerno ang hakbang para maprotektahan ang karapatan at interes ng OFWs.
Nakatakda ang pagdinig ng senado sa February 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.