Foreigner, patay matapos matamaan ng propeller ng motor banca sa Negros Oriental

By Cebu Daily News, Rhommel Balasbas February 18, 2018 - 04:58 AM

Photo courtesy of Dauin Police Station via Cebu Daily News

Patay ang isang foreigner matapos matamaan ng propeller ng isang motor banca sa karagatan ng Apo Island, Negros Oriental.

Nakilala ang biktima na si Young Tai Hang, 54-anyos, isang HongKong national, na binista ang lugar na isang popular diving spot.

Kasama niya sa lugar ang kanyang asawa at dalawa pang HongKong nationals.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, hindi napansin ni Hang na isang motor banca ang paparating nang umahon siya mula sa pagda-dive.

Ang motor banca na nakatama sa biktima ay pagmamay-ari ng isang Ulysis Peñaflor at minamaneho ng isang Juvy Baat, 28 anyos, residente ng Barangay Liloan, sa Santander, Southern Cebu.

Naka-ditene na sa jail facility ng Dauin Police si Baat at nakatakdang kasuhan ng ‘reckless imprudence resulting to homicide’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.