Trabaho para sa mga OFWs, dapat tiyakin ng pamahalaan – NGO
Kailangang magkaroon ng malinaw na ‘reintegration roadmap’ ang pamahalaan para sa mga Pilipinong mawawalan ng trabaho dahil sa overseas Filipino worker (OFW) deployment ban sa Kuwait.
Ito ang naging pahayag ng Blas F. Ople Policy Center matapos patuloy na ipatupad ng pamahalaan ang pagbabawal sa mga Pilipino na lumipad papuntang Kuwait para magtrabaho.
Ayon kay Susan Ople na siyang pinuno ng naturang non-government organization (NGO), kailangang tiyakin ng pamahalaan, partikular ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na magkaroon ng iba’t ibang trabaho sa bansa.
Ani Ople, palagi na lamang binabanggit ng gobyerno ang ‘Build, Build, Build’ program na siyang pagkukuhanan ng trabaho, ngunit hindi naman malinaw kung ano ang mga partikular na trabaho at oportunidad ang maaaring kuhanin.
Paglilinaw ni Oplen, sangayon naman siya sa pagtigil sa pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait. Ngunit aniya, kailangan pa ring bantayan ang seguridad ng mga Pilipinong nananatili pa rin sa Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.