Opisyal ng CHED kakasuhan ng Ombudsman dahil sa SALN
Mahaharap sa anim na counts ng paglabag sa Section 8 (a) ng Republic Act 6713 o code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isang direktor ng Commission on Higher Education (CHED) dahil sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sa kasong inihanda ni assistant special prosecutor Jorge Espinal, hindi kasi isinama ni Carmelita Yadao-Sison ang mga negosyo ng kanyang mister sa kanyang isinumiteng SALN mula 2005 hanggang 2010.
Sa naturang kaso, itinuring na isang ‘utter disregard for official obligation’ ang hindi pagsama ni Sison sa business interest ng kanyang asawang si Atty. Roberto Sison ng Roberto M. Sison and Partners.
Inirekumenda ng Ombudsman sa Sandiganbayan na magkaroon ng bail bond si Sison na nagkakahala ng P10,000 para sa bawat isang kasong nakasampa laban sa kanya. Ibig sabihin, sa kabuuan P60,000 ang multang ipapataw kay Sison.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.