HIV awareness program sa high school suportado ni QC Vice Mayor Belmonte
Kailangang maturuan ang mga kabataan tungkol sa human immunodeficiency virus/ acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS).
Ito ang naging pahayag ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte matapos niyang ipaabot ang kanyang suporta sa pagsasama ng HIV education program para sa mga mag-aaral ng high school.
Ani Belmonte, sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng HIV sa mga kabataan sa bansa, ay dapat maimulat ang mga ito tungkol sa HIV at iba pang infectious sexual disease upang makaiwas sila dito.
Sa datos aniya ng Department of Health (DOH) noong 2017, 11,103 na ang bilang ng mga may HIV sa bansa at karamihan dito ay naitala sa Metro Manila.
Noong 2017 din ay naglunsad ang Quezon City ng programa kung saan itinuturo ang age-appropriate HIV awareness para sa mga Grade 8 students sa mga piling pampublikong paaralan sa lungsod.
Kaya naman hinihimok ni Belmonte ang pambansang pamahalaan na gawing mandatory na ang pagtuturo tungkol sa HIV awareness.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.