May-ari ng getaway vehicle sa pamamaril sa isang motel sa Pasig City, nakilala na
Nakilala na ng mga pulis-Pasig ang may-ari ng getaway vehicle na ginamit ng apat na gunman na silang pumaslang sa isang pulis sa isang motel sa Pasig City noong Huwebes.
Ngunit itinanggi naman ni acting Pasig City Police Chief, Senior Superintendent Orlando Yebra, Jr., na ilabas ang pangalan ng may-ari ng sasakyan. Aniya, patuloy pa kasi ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.
Aniya pa, ang plaka na nakakabit sa Toyota Revo na siyang getaway car ay nanggaling sa ibang sasakyan.
Sa ngayon aniya ay hinihintay na lamang ang deed of sale ng sasakyan kung saan unang nakakabit ang plate number.
Dagdag pa ni Yebra, nakikipag-ugnayan na sila sa Southern Police District (SPD) at umaasa siyang malilinis na ang pangalan ng mga persons of interest.
Matatandaang Huwebes ng gabi ng pagbabarilin si Senior Police Officer 2 Ernesto Sanchez ng apat na hindi pa nakikilalang mga salarin.
Napag-alaman na bago naganap ang krimen ay nagsagawa ng buy-bust operation sa Taguig si Sanchez.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.