Mexico, niyanig ng 7.5 magnitude na lindol

By Cyrille Cupino February 17, 2018 - 08:40 AM

Photo courtesy of USGS

Niyanig ng napakalakas na lindol ang katimugan at gitnang bahagi ng Mexico ngayong umaga.

Ayon sa US Geological Survey, umabot sa magnitude 7.5 ang lindol, at naitala ang epicenter sa 53 kilometers northeast ng Pinotepa de Don Luis state, malapit sa Pacific coast at may lalim ito na 24 kilometers.

Nagsilabasan naman ang mga tao sa kani-kanilang mga tahanan at mga gusali matapos tumunog ang earthquake alarm system sa Mexico City.

Matapos ang lindol, sunod-sunod na aftershocks rin ang naramdaman sa mga kalapit na lugar.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na tsunami warning o advisory ang mga otoridad.

 

TAGS: Mexico 7.5 magnitude quake, Mexico 7.5 magnitude quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.