SAP Bong Go nanindigang hindi tatakbong senador; gustong pagsilbihan si Pang. Duterte hanggang kamatayan

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2018 - 06:09 PM

Inquirer File Photo

Pinanindigan ni Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go na hindi siya tatakbong senador sa 2019.

Ito ang sagot ni Go sa paanyaya ni House Speaker Pantaleon Alvarez para tumakbo siyang senador.

Ayon kay Go ang nais niya ay pagsilbihan si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa kamatayan.

Nagbiro pa si Go na maari lamang magbago ang kaniyang isip kung kukunin siya ni Alvarez na ninong sa kasal.

“Ang sagot ko po sa paanyaya ni Speaker Alvarez: Inuulit ko po, hindi po ako interesado tumakbo sa senado sa 2019. Magsisilbi po ako kay Mayor Duterte hanggang kamatayan, kung hindi man ako mauna. Pero kung tutuparin ni Speaker Alvarez ang pangako nyang kunin akong ninong sa kasal nya, baka mag bago po isip ko,”

Una biniro ni Pangulong Duterte si Go hinggil sa pagpasok sa pulitika at pagtakbo sa pagka-senador.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bong go, Radyo Inquirer, bong go, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.