National Artist for Sculpture Napoleon Abueva, pumanaw na sa edad na 88

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2018 - 02:15 PM

Pumanaw na ang National Artist na si Napoleon C. Abueva.

Si Abueva, 88-anyos ay pumanaw sa National Kidney and Transplant Institute, Biyernes ng umaga.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang mga kilala sa larangan ng sining sa pagpanaw ni Abueva.

Ayon kay Lay Ann Orlina, asawa ng sculptor na sI Ramon Orlina, nadalaw pa nila si Abueva sa kaniyang kaarawan noong January 26 habang siya ay naka-confine na sa ICU.

Ang artist at critic naman na si Cid Reyes ay nagbigay din ng pagkilala kay Abueva na tinawag niyang “the sole Filipino vanguard for modern sculpture.”

Sa pahayag ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), inaantabayanan pa nila ang detalye ng burol niAbueva mula sa kaniyang pamilya upang makapagtakda ng state necrological ceremonies para dito sa Cultural Center of the Philippines.

Bilang isang National Artist si Abueva ay ililibing sa Libingan ng mga Bayani.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Napoleon Abueva, National Commission for Culture and the Arts, ncca, Radyo Inquirer, Napoleon Abueva, National Commission for Culture and the Arts, ncca, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.