Banta tungkol sa umano’y part 2 ng Florida mass shooting kumalat sa social media

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2018 - 11:40 AM

Kumalat sa social media ang banta hinggil sa paglulunsad umano ng ikalawang round ng mass shooting sa Florida matapos ang insidente ng pamamaril sa isang eskwelahan sa Parkland na ikinasawi ng 17 katao.

Sa post na kumalat sa Facebook, makikita ang larawan ng isang lalaki na nakasuot ng mask, may hawak na baril at may nakasulat na “Round 2 of Florida tomorrow”.

Pero ayon sa statement ng Broward County sheriff, matapos kumalat ang post, agad silang naglunsad ng imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng FB post at agad nadakip ang nasa likod nito.

Sa kabila nito, patuloy ng pagkalat at pag-share ng psot sa social media at ang iba ay dinaragdagan pa ng caption at nagbababala sa publiko na iwasan ang pagpunta sa mga paaralan sa South Florida.

Ayon sa mga otoridad, minomonitor nila ang mga nagpapakalat ng post at inaalam ang posibleng paglabag ng mga ito.

Hinikayat ng mga pulis ang publiko na huwag nang magpakalat ng pananakot.

Tiniyak naman ng Broward County sheriff na nakikipag-ugnayan na sila sa Broward County School Board at sa state and federal authorities para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: florida mass shoting, Foreign News, Parkland Florida, Radyo Inquirer, SeeSomethingSaySomething, stonemanshooting, florida mass shoting, Foreign News, Parkland Florida, Radyo Inquirer, SeeSomethingSaySomething, stonemanshooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.