Pastor Quiboloy wala umanong nilabag na batas sa Amerika

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2018 - 08:57 AM

Hindi umano totoong nakulong sa Hawaii si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng tagapagsalita ni Quiboloy na si Israelito Torreon na wala itong nilabag na batas sa Amerika.

Hindi umano totoong inaresto, nakulong at napa-deport si Quiboloy ng US authorities.

“6:36PM siya dumating kagabi. He was not detained, he was not imprisoned, he was not deported. There was no crime that he committed in US soil,” ayon kay Torreon.

Sa paliwanag aniya ni Quiboloy, nagkaroon lamang ng ilang paglilinaw at may tinatanong lamang ang mga otoridad at pagkatapos noon ay napayagan na siyang makaalis.

Hindi naman na sinagot ni Torreon ang mga tanong kung kay Quiboloy ba ang mga pera at bahagi ng mga armas na nakuha sa private plane nito.

Ayon kay Torreon, ang nasabing isyu ay inaasikaso na ng kaniyang counterpart sa Amerika.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Apollo Quiboloy, hawaii, Isaraelito Torreon, Kingdom of Jesus Christ, private plane, Apollo Quiboloy, hawaii, Isaraelito Torreon, Kingdom of Jesus Christ, private plane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.