Libu-libong katao sinalubong ang Chinese New Year sa Binondo, Maynila
Mahigit 2,000 katao ang nagtipun-tipon sa Binondo, Maynila at masayang sinalubong ang Chinese New Year.
Ayon sa Manila Police, naging mapayapa naman ang selebrasyon at wala silang naitalang kaguluhan o krimen.
Ngayong maghapon ay magpapatuloy ang mga aktibidad sa Binondo para sa Chinese New Year.
Mamayang alas-11:30 ng umaga magkakaroon ng cultural performances, Feng Sui forecast, at dragon ad lion dance sa isang kilalang Chinese shopping mall sa Binondo.
Bukod pa ito sa pag-iikot ng mga mascot sa mall.
Ala-1:00 naman ng hapon magaganap ang ribbon cutting ceremony para sa Chinese New Year Festival sa Plaza San Lorenzo Ruiz.
Susundan ito ng tradisyonal na Unity Parade na pangungunahan ni Manila Mayor Erap Estrada at mga opisyal ng Chinese embassy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.