Hindi pag-update ng Ombudsman sa kaso ng tagong yaman ni Duterte, ikinapikon ng Palasyo

By Kabie Aenlle February 16, 2018 - 03:40 AM

 

Nairita ang Palasyo ng Malacañang sa hindi agad na pagbubunyag ng Office of the Ombudsman sa estado ng kanilang imbestigasyon tungkol sa mga umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naglabas ng pagkainis si Presidential Spokesman Harry Roque dahil hindi agad inilabas ng Ombudsman nang mas maaga ang development tungkol sa kaso.

Ayon kay Roque, kahit pa ibinasura na ng kanilang fact-finding team ang kaso, dapat ay inanunsyo pa rin ito ng Ombudsman nang sa gayon ay manahimik na si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ipinunto ni Roque na panay pa rin ang pagbanggit ni Trillanes kaugnay ng kaniyang mga alegasyon na mayroong milyun-milyong pisong laman ang isang bank account ni Duterte na hindi niya idineklara.

Dapat aniya ay sinabi na ng Ombudsman na ibinasura nila ang kaso dahil sa kakulangan ng imbestigasyon, para natapos na ang isyu tungkol sa mga umano’y tagong yaman ng presidente.

Matatandaang kinumpirma ng Ombudsman ang pagbasura sa reklamo ni Trillanes noon pang November 29, 2017 dahil tumanggi ang Anti-Money Laundering Council na magbigay ng report o kumpirmasyon tungkol sa mahalagang impormasyon.

Naglabas lang ng pahayag ang Ombudsman matapos itong sabihin ni Solicitor General Jose Calida.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.