Palasyo, walang nakikitang dahilan upang maghain ng protesta dahil sa Benham Rise issue
Walang nakikitang dahilan ang Malacañang upang isulong pa ang paghahain ng diplomatic protest matapos pangalanan ng China ang ilang mga lugar sa Benham Rise.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman lumabag sa anumang batas ang China nang bigyan nito ng mga pangalang Chinese ang limang undersea features na nasa Benham o Philippine Rise.
Sa ngayon aniya, idinulog na ng Philippine Embassy sa Beijing ang naturang usapin.
Gayunman, ipauubaya na lamang aniya ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs kung nais pa nitong maghain ng diplomatic protest kontra sa China.
Matapos naman na bigyan ng pangalang Chinese ang mga undersea features sa Benham Rise, plano naman ng Pilipinas na bansagan rin ng mga Pilipinong pangalan ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.