Bagong eroplano ng French plane maker na Airbus isinailalim sa test flight sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2018 - 10:40 AM

Inquirer Photo | Miguel Camus

Isinailalim sa test flight at demonstration tour ang French plane maker na ‘Airbus’ para sa kanilang A350-1000 aircraft sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Ang A350-1000 ay mayroong 366 seating capacity na latest at mas malaki kumpara sa A350-900.

Ang test flight sa NAIA ay bahagi ng three-week demonstration tour ng Airbus sa Asia Pacific Region.

Kabilang sa mga sumama sa test flight at demonstration tour ay ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay PAL President Jaime Bautista, ikinukunsidera din ng PAL na mag-orderng A350-100 bilang bahagi ng kanilang expansion plans,

Noong 2016, bumili ang PAL ng anim na A350-900 aircraft at sisimulan ang pag-deliver nito sa Pilipinas sa kalagitnaan ng 2018.

Ang test flight at demo tour ay bahagi ng promosyon sa bagong eroplano upang makumbinsi ang mga airline company sa mga bansa sa Asya na gumamit nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: A350 1000, Airbus, French Plane Maker, A350 1000, Airbus, French Plane Maker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.