Holiday pay rules para sa Chinese New Year, inilabas ng DOLE
Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga pribadong employers na sumunod sa holiday pay rules sa Chinese New Year na gugunitan sa Biyernes, February 16.
Ang naturang araw ay idineklarang special non-working holiday alinsunod sa Proclamation No. 269 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng Labor Advisory No. 03, dapat na mabayaran ng mga employers ang kanilang mga manggagawa ng karagdagang 30 percent ng kanilang arawang sweldo sa unang walong oras ng kanilang trabaho.
Sakaling iiral naman ang overtime work o sosobra saw along oras ang trabaho ay madadagdagan ng 30 percent ang kanyang hourly rate sa naturang araw.
Sa kaso naman ng mga empleyadong kailangang pumasok sa naturang araw kahit kanilang ‘rest day’ ay madadagdagan ng 50 percent ang kanilang arawang sweldo sa unang walong oras ng trabaho at iiral din ang dagdag na 30 percent sa hourly rate kung sosobra sa walong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.