DA, planong bumuo ng satellite rice production sa Papua New Guinea

By Rhommel Balasbas February 15, 2018 - 02:32 AM

 

May alternatibong plano ang pamahalaan ng Pilipinas upang mapataas ang produksyon ng bigas.

Ito ay sa pamamagitan ng konsepto ng ‘satellite farms’ o pagtatanim ng bigas sa lupa ng ibang bansa habang ang ani ay ibabalik papunta ng Pilipinas.

Sa isang pulong balitaan ay sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na pumayag na ang Palasyo ng Malacañang sa nakatakda niyang pagbisita sa Papua New Guinea na kanilang napili upang pagsagawaan ng ‘outsourcing’ ng bigas sa pamamagitan ng satellite farms.

Nakatakdang pumasok ang pamahalaan ng Pilipinas sa isang ‘bilateral agreement’ sa Papua New Guinea tungkol sa satellite rice production.

Ayon kay Piñol, ang naturang plano ay maaaring makapagbigay ng mas maraming suplay ng murang bigas para sa mga Filipino.

Kung sakaling matuloy ang proyekto, magsusuplay ang Pilipinas ng rice grains sa Papua New Guinea at ang naturang bansa ang magpapalago.

Sa panahon ng anihan ang lahat ng sobrang ani ay ibabalik patungo sa bansa.

Iginiit ng kalihim na dahil sa papalobong populasyon at pagkaunti ng lupang taniman ay kailangan ng humanap ng alternatibong paraan para mapalawig pa ang produksyon ng bigas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.