Labi ng OFW na isinilid sa freezer sa Kuwait, iuuwi sa Biyernes

By Jay Dones February 15, 2018 - 03:00 AM

 

FB/Phil. Emb. in Kuwait

Sa araw ng Biyernes, inaasahang dadating sa bansa ang labi ng Pinay na natagpuang nakasilid sa loob ng freezer sa Kuwait.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na inihahanda na ng Philippine Embassy sa Kuwait ang pagpapabalik sa mga labi ng Pinay Household Service Worker na si Joanna Demafelis sa bansa.

Si Demafelis ay matatandaang natagpuan na wala nang buhay at nakasilid sa loob ng isang freezer sa apartment ng kanyang mga amo na mag-asawang Lebanese at Syrian noong nakaraang linggo.

Ayon kay Ambassador Rene Villa, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Ministry of Interior ng Kuwait upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Joanna.

Maging ang mga taga-Kuwait aniya ay nagimbal sa sinapit ng biktima at umaasang agad na malulutas ang pagpatay sa OFW.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.