Piso, bumulusok sa P52 kada dolyar

By Jay Dones February 15, 2018 - 03:02 AM

 

Bumulusok sa pinakamababang antas ang halaga ng piso sa nakalipas na halos labindalawang taon sa pagtatapos ng trading kahapon.

Ayon sa Philippine Dealing System, sa pagsasara ng merkado, naitala ang palitan sa halagang 52.12 bawat isang US dollar.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar na naitala sa loob ng labing-isang taon at pitong buwan.

Pangamba pa ng mg eksperto, magpapatuloy ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar dahil sa pagpapatuloy ng infrastructure spending ng gobyerno.

Gayunman, umaasa ang mga ito na magbabalik sa normal ang halaga ng piso sa oras na matapos na ang mga proyekto ng pamahalaan at magpasok na ito ng revenue sa kaban ng bayan.

Samantala, iginigiit naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno na kanila nang inaasahan ang pagbaba ng halaga ng piso at isinama na ito sa kanilang medium-term economic strategy para sa susunod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.