Dipolog City Airport pansamantalang isinara

By Alvin Barcelona February 14, 2018 - 07:38 PM

Isinara ngayong hapon ang Dipolog City Airport matapos na magka-aberya ang isang eroplano ng Cebu Go kaninang 12:15 ng tanghali.

Sa abiso ng Cebu Pacific, nagkaroon ng technical problem ang eroplano na DG 6603 na may biyaheng Cebu City – Bacolod matapos na lumapag sa paliparan.

Nabatid na nakaramdam ang mga piloto ng vibration sa unahang landing gear kaya napilitan na tumigil sa gitna ng runway ang eroplano at doon na pinababa ang mga pasahero.

Dahil dito, kanselado ang mga flights ngayong hapon papunta at palabas ng dipolog kabilang ang 5J 703 Manila-Dipolog,  5J 704 Dipolog-Manila At DG 6604 Dipolog-Cebu

Tiniyak naman ng pamunuan ng Cebu Pacific na magde-deploy sila ng karagdagang flight bukas February 15, 2017 para sa mga pasahero.

Ang mga apektadong pasahero ay bibigyan nila ng accomodation kung kailangan at agad na bibigyan ng abiso sa flight schedule.

May opsyon din ang mga ito na magpa-rebook at magpa-refund ng tiket.

TAGS: cebu go, closed, dipolog city airport, cebu go, closed, dipolog city airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.