Opisyal ng Nueva Ecija local government patay sa ambush
By Rohanisa Abbas February 14, 2018 - 06:41 PM
Patay ang isang empleyado ng Nueva Ecija Provincial Engineering Office matapos tambangan ng lalaking naka-motorsiklo.
Pinagbabaril ng suspek si Librado Mendoza, 62 taong gilang, sa Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City.
Naganap ang insidente 9:55 ng umaga ng Martes.
Si Mendoza na ang ikalawang empleyado ng Nueca Ecija provicial government na pinaslang ngayong taon.
Una nang pinagbabaril sa harap ng kanyang pamilya si administrative chief ni Governor Czarina Umali sa bayan ng Talavera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.