Panukalang pagpapawalang-bisa sa kasal prayoridad ng Kamara

By Erwin Aguilon February 14, 2018 - 06:33 PM

(AP Photo/Karen Pulfer Focht)

Target ngayon ng Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang dissolution of marriage bago ang kanilang lenten break.

Ayon kay Alvarez, sapat na ang kanilang ginagawang konsultasyon dito sa Pilipinas at sa abroad.

Pagmamalaki ni Alvarez, suportado ng mga Overseas Filipino Workers ang kanyang panukala dahil marami sa kanila ang hiwalay sa mga asawa.

Sa panukala ng pinuno ng Kamara kasama sa ground ng dissolution of marriage ang irreconcilable differences at chronic differences.

Ang nasabing panukala na nagpapawalang saysay sa kasal ay kasama sa pinagsama-sama ng technical working group ng House Committee on Population and Family Relations.

TAGS: Alvarez, dissolution of marriage, kasal, Alvarez, dissolution of marriage, kasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.