Trillanes: China dapat ideklarang off-limits sa Philippine Rise

By Ruel Perez February 14, 2018 - 04:21 PM

Inquirer file photo

Kung si Sen Antonio Trillanes ang masusunod dapat umanong ideklarang off-limits sa Benham Rise ang bansang China.

Ito ang reaksyon ni Trillanes matapos na pangalanan ng China ang five features ng Benham Rise.

Paliwanag ni Trillanes, malinaw na panloloko ang ginawa ng China na umanoy magsasagawa lamang ng exploration sa Benham Rise pero ngayon ay lumalabas inaangkin na nito ang teritoryo.

Malinaw umano na may intensyon ang bansang China na angkinin ang Benham Rise kung kaya pinangalanan nito ang 5 features ng teritoryo na pag-aari ng Pilipinas.

Samantala, aminado naman si Sen. JV Ejercito na una pa lang ay nag-alala na ito sa pagbibigay ng Pilipinas ng permiso sa China na makapag explore sa Benham Rise.

Paliwanag ni Ejercito, dapat talaga na kumilos ang pamahalaan at gawin ang lahat ng legal at diplomatic means para ipaglaban ang soberenya ng bansa laban sa panghihimasok ng China.

Aminado rin si Ejercito na minsan ay nakakagalit at nakaka-frustrate na talaga ang ginagawang pambubully ng China sa Pilipinas pero hindi umano dapat na hayaan na walang aksyon ang Pilipinas ukol dito.

TAGS: Benham Rise, China, off limits, Philippine Rise, Benham Rise, China, off limits, Philippine Rise

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.