Magnitude 4.3 na lindol, yumanig sa Kananga, Leyte
Nakaranas ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Leyte dakong ala-una ng madaling-araw kanina.
Ayon sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol may anim na kilometro sa northwest ng bayan ng Kananga, Leyte.
May lalim lamang ito na pitong kilometro.
Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang ulat ng intensity o lakas ng paggalaw ng lupa ang ahensya sa mga lugar na naapektuhan ng pagyanig.
Wala namang inaasahang pinsalang idinulot ang naturang lindol sa mga struktura sa mga lugar na naapektuhan nito.
Samantala, dakong alas 11:27 Martes ng gabi, naitala naman ang magnitude 4.1 na pagyanig sa karagatang sakop ng Santa Catalina, Ilocos Sur.
Naitala ang episentro ng paggalaw ng lupa may 58 kilometro sa southwest ng bayan ng Santa Catalina.
Wala naman naitalang intensity ang Phivolcs resulta ng naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.