SolGen: Reklamo ni Trillanes vs. Duterte ibinasura na ng Ombudsman
Ipinatitigil ng Office of the Solicitor General ang imbestigasyon ng Senado sa umano’y mga tagong yaman ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ni Solicitor General Jose Calida na wala nang saysay ang nasabing pagsisiyasat dahil mismong ang Office of the Ombudsman na ang nagsabing isinara at itinigil na nito ang kanilang imbestigasyon sa sinasabing unexplained wealth at undeclared bank account ni Duterte dahil sa kawalan ng merito.
Base aniya sa liham na natanggap ni Calida mula kay Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, ang rekomendasyon para i -terminate ang nasabing reklamo ni Senador Antonio Trillanes noong 2016 ay inaprubahan na ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos noong Novermber 29, 2017.
Dahil aniya dito, wala nang kabuluhan pa ang hirit ni Trillanes na pag-iimbestiga ng Senado sa pangulo.
Nagtataka ang Solicitor General kung bakit hindi ipinaalam ng Ombudsman sa publiko na ibinasura na nila ang reklamong isinampa ni Trillanes laban sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.