Ikalawang landfall ng Bagyong Basyang tatama sa Bohol

By Rohanisa Abbas February 13, 2018 - 04:23 PM

PAGASA

Inaasahang tatama sa kalupaan sa ikalawang pagkakataon ang Tropical Depression Basyang.

Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall sa Bohol ang bagyo ngayong hapon.

Tatahakin nito ang mga lugar ng Siquijor, southern Cebu, southern Negros Oriental bago tumungo sa Sulu Sea.

Una nang nag-landfall ang bagyo sa Cortes, Surigao del Sur kaninang alas-9:00 ng umaga.

Huling namataan ang Bagyong Basyang 60 kilometro sa timog ng Maasin, Southern Leyte.

Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 27 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Nakataas ang signal number 1 sa Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Bohol, Cebu, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Southern Samar at Eastern Samar.

Signal number 1 rin ang nakataas ngayon sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, hilagang bahagi ng Bukidnon, Misamis Occidental, at hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte.

TAGS: Basyang, Bohol, Pagasa, Basyang, Bohol, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.