Polisiya sa iba pang mga bansa dapat ding pag-aralan ng DOLE at OWWA matapos ang insidente sa Kuwait
Suportado ni Senator Joel Villanueva ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang total deployment ban ng mga OFW sa bansang Kuwait.
Ayon kay Villanueva, matagal nang nagdurusa ang mga OFW sa pagmaltrato lalo na ang mga household workers kaya dapat lang itigil na ang pagpapadala ng mga Pinoy sa Kuwait.
Kaugnay nito, hinimok ni Villanueva ang DOLE at OWWA na repasuhin ang mga polisiya sa pagpapadala ng OFW sa iba pang bansa at hanapan ng paraan na mapagibayo pa ang ayuda at proteksyon para sa mga minamaltrato at inaabuso
Dagdag pa ni Villanueva, tama naman ang pangulo ng igiit nito na walang Pilipino ang dapat maging alipin ninuman at saanman at kahit kailan kung kaya dapat maging pangunahing prioridad ng bansa na tiyakin ang kanilang kapakanan at kaligtasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.