Duterte, nakipagpulong sa mga pulis at sundalo sa Cebu

By Kabie Aenlle February 13, 2018 - 03:35 AM

Photo by Lito Tecson | Cebu Daily News

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Police Regional Office – Central Visayas (PRO-7), Lunes ng hapon.

Tumungo doon si Duterte upang makipagpulong sa mga opisyal ng pulis at militar sa rehiyon, na tumagal ng apat na oras.

Ayon kay PRO-7 Supt. Reyman Tolentin, binigyan lamang nila ng update ang pangulo tungkol sa mga operasyon ng pulis, Philippine Army at Philippine Navy sa nasabing pagpupulong.

Itinuturong naman aniya nilang morale booster para sa kanila ang personal na pagpunta mismo ng commander in chief para sila ay mabisita.

Bago ang pagpupulong, iginawad muna ni Pangulong Duterte kay PO2 Artiseo Tampus ang Order of Lapu-Lapu medal bilang pagkilala sa kaniyang katapangan matapos mapatay ang isang hinihinalang drug peddler sa bayan ng San Fernando noong February 4.

Nanlaban umano ang drug suspect na si Benjamin Acero Jr. sa pag-aresto sa kaniya sa buy-bust operation, at inagaw ang service firearm ni Tampus.

Pagkatapos nito, binaril ni Acero si Tampus sa kaniyang kaliwang braso.

Bagaman nasugatan na, nagawa pa rin ni Tampus na habulin si Acero at mabaril ito ng hindi bababa sa 13 beses na ikinasawi ng suspek.

Maliban dito, ginawa rin ni Duterte ang pag-turn over sa 20 units ng Mitsubishi Montero patrol vehicles sa lokal na pulisya ng PRO-7.

Ang mga nasabing sasakyan ay donasyon ng pamahalaan ng Japan sa Pilipinas.

Dahil sa limitadong oras, hindi naman na nakapagpaunlak ng panayam ang pangulo sa media pagkatapos ng pagpupulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.