P100k nakapatong sa ulo ng pumatay sa deputy police chief ng Cainta

By Justinne Punsalang February 13, 2018 - 03:22 AM

Isandaang libong pisong pabuya ang nakapatong ngayon sa ulo ng lalaking bumaril sa deputy police chief ng Cainta, Rizal.

Mismong ang lokal na pamahalahaan ng Cainta ang naglaan ng naturang halaga para malaman ang kinaroroonan ng suspek na si Ruben Gomez.

Ayon sa hepe ng Cainta Police na si Superintendent Raynold Rosero, Linggo ng gabi nang rumespunde si Senior Inspector Jimmy Senosin at iba pang mga pulis sa Lakas Tao flodway matapos makatanggap na mayroong armadong lalaki sa lugar.

Ani Rosero, ikinagulat nila nang malamang si Gomez pala ang idinulog sa kanila. Aniya, matagal na nilang minamanman ang suspek dahil notoryus itong kriminal na sangkot sa mga pagnanakaw at pagtutulak ng iligal na droga.

Pagdating sa lugar ay doon nila napag-alamang may kasama pala si Gomez.

Nang makita ang mga otoridad ay tumakbo papalayo ang mga armadong lalaki, dahilan para sundan ng mga pulis at doon na nagkaroon ng pagpapalitan ng putok.

Upang tuluyang makatakas ay naghagis ng granada sina Gomez at mabuti na lamang at hindi ito sumabog.

Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Senosin, habang isa namang sibilyan ang nadamay at nasugatan sa pamamaril.

Patuloy ang pagtugis ng mga pulis kay Gomez na nasugatan din sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.