Pangulong Duterte ayaw magtalaga ng pulis sa kaniyang administrasyon

By Chona Yu February 12, 2018 - 12:33 PM

Matabang ang panlasa ni pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga ng mga pulis sa kanyang administrasyon.

Paliwanag ng pangulo, hindi gaya ng mga sundalo, mahirap dalhin ang mga pulis.

Inihalimbawa ng pangulo ang ginawang pag-iinspeksyon kamakailan ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde sa mga istasyon ng pulis sa Metro Manila kung saan nahuling natutulog at nag-iinuman ang mga pulis habang nasa trabaho.

Hindi rin naiwasan ng pangulo na alalahanin ang ginawa ng mga pulis sa Davao na pagtulog din habang naka-duty.

Ayon sa pangulo, tanging si outgoing PNP chief Director General Ronald Dela Rosa lamang ang kanyang bibigyan ng puwesto kapag nagretiro na ito.

Nauna nang inanunsyo ng Malakanyang na itatalaga ng pangulo si Dela Rosa bilang susunod na pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

“Ako naman I always follow the — the ano, ‘yung progress nila. No, no, no other guy will get except itong si Bato because police is — mahirap dalhin ang pulis, mahirap talaga ang pulis,” ayon sa pangulo.

 

 

 

 

TAGS: Duterte administration, Philippine National Police, PNP, Rodrigo Duterte, Duterte administration, Philippine National Police, PNP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.