Dating Comelec chair Baustita, no show na naman sa pagdinig ng Senado

By Len Montaño February 12, 2018 - 11:53 AM

No show na naman si dating Comelec chairman Andres Bautista sa pagdinig ng Senado kaugany ng posibleng paglabag sa Anti-Money Laundering Act dahil sa umano’y tagong-yaman nito.

Sa liham na ipinadala sa Senado na may petsang January 31, sinabi ni Bautista na taliwas sa pahayag ng komite ay wala siyang natanggap na anumang imbitasyon para dumalo sa imbestigasyon ng Senate committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.

Dahil dito ay hiniling ni Bautista sa panel na bawiin ang subpoena sa kanya.

Ayon kay Bautista, out of the country siya mula November 21, 2017 para maghanap ng trabaho at magpagamot.

Naglabas ang Senado ng subpoena laban kay Bautista noong January 23 matapos itong hindi sumipot sa ikatlong pagkakataon sa pagdinig na nagsimula noong August 2017.

 

Una nang sinabi ng chairman ng komite na si Senator Chiz Escudero na oobligahin niya ang Senado na i-contempt si Bautista at ipaaresto ito kung isnabin pa rin nito ang hearing.

 

Present naman sa pagdinig ang misis ni Bautista na si Patricia na inakusahan ang dating Comelec chief na mayroong kwestyunableng P1 bilyong kayamanan, bagay na ilang beses nang itinanggi ni Bautista.

TAGS: Andy Bautista, comelec, Senado, Andy Bautista, comelec, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.